You Are My Everything - Tagalog Version - Marianne Topacio || Descendants of the Sun OST





You Are My Everything - Tagalog Version Lyrics Courtesy: Marianne Topacio
Descendants of the Sun OST – You Are My Everything

Nang landas nati'y nagtagpo
Mga pangarap ko'y nabuo
Bulong ng puso'y ikaw na nga
sa buhay ko siyang babago

Lumipas man ang mga oras,
Ang simula'y wag sanang magwakas,
Nahahangal ang puso
'Di maaming ikaw, tinitibok nito..

Ikaw ang lahat sa akin
Dalangin pagtingin ko'y mapansin,
Ikaw lang ang sigaw ng damdamin
Sa'king puso'y wala nang ibang
nanaisin, sinta
Ikaw ang lahat sa'kin

Oooh..

Ika'y bituing sa'kin dumating
Na bumighani sa'king damdamin
La-ging mamahalin
Tanging hihintayin magpakailanpaman

Oooh...

Ikaw ang lahat sa akin
Dalangin pagtingin ko'y mapansin,
Ikaw lang ang sigaw ng damdamin
Sa'king puso'y wala nang ibang
nanaisin, sinta
Ikaw ang lahat sa'kin

Pilit mang ikubli,
sa'yo ang pagtingin
Hindi na maitatangging,
laman ng puso't isip ko'y
Ikaw mahal...

Ikaw ang lahat sa akin
Iaalay sayo'ng pagmamahal
Magbago mang lahat ay tandaan
Sa 'king puso'y wala nang ibang
nanaisin pa, Ooh
Ikaw ang lahat sa'kin

No comments:

Theme images by fpm. Powered by Blogger.